Ibinahagi ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando na nagkakaroon na ng interaction ang dalawang bagyong nasa loob ngayon ng Philippine area of responsibility (PAR).
Kinabibilangan ito ng tropical storm Dante at tropical depression Emong.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Servando na dahil mas dominant ang bagyong Dante, ito ang nakaka-attract sa galaw ni ‘Emong.
Hinahatak umano ito upang tumungo sa direksyon ng Eastern Taiwan.
Pero bago dumiretso sa Taiwan, iikot muna ito sa Ilocos Region bago tumakbong paitaas.
“Given their current distance which is about 1000, they are interacting each other or technically Fujiwhara effect. Dante is stronger than Emong, thus, is dominant and attract Emong to move toward eastern Taiwan. Looking on Emong’s track, it will loop while west of Ilocos Region, before moving towards Taiwan,” wika ni servando.
Ang Fujiwara effect ay ginawang katawagan sa interaksyon ng dalawang sama ng panahon na nagkakalapit.
Hinango naman ito sa pangalan ni Dr. Sakuhei Fujiwhara, isang Japanese meteorologist na unang naglarawan ng phenomenon noong 19212.
Sa kanyang pag-aaral tungkol sa paggalaw ng mga vortices sa tubig, napansin niya ang kakaibang interaksiyon ng dalawang bagyo o cyclonic systems kapag malapit sila sa isa’t isa.
Kapag nangyari ito, umiikot ang dalawang bagyo sa paligid ng isang sentrong punto, na para bang sumasayaw sa hangin.
Maaaring magresulta ito sa pag-ikot, paglapit, o maging pagsasanib ng dalawang sistema ng bagyo.