-- ADVERTISEMENT --

Nagbulsa ng dalawang gintong medalya at tatlong silver medal ang 19-anyos na Pinay triathlete na si Kira Ellis sa Southeast Asian (SEA) Games 2025.

Sa pagtatapos ng naturang torneyo, hawak ni Ellis ang limang medalya dahil sa impresibong performance sa limang magkakahiwalay na event na kaniyang sinalihan.

Nakuha ni Ellis ang dalawang gintong medalya sa team events na women relay at mixed team relay.

Huling naibulsa niya ang isang silver medal sa kaniyang sinalihang womenโ€™s individual event, isang araw matapos siyang makaranas ng food poisoning habang nasa SEAG.

Una nang nagbulsa ng gintong medalya si Ellis noong 2023 Cambodia Games sa aquathlon event.

-- ADVERTISEMENT --

Una na rin siyang sumabak sa European Triathlon Junior Cup ngayong taon at naipanalo ang naturang laban, hawak ang record na 1 hour, 5 minutes, at 7 seconds.

Umaasa ang Pinay triathlete na magiging bahagi rin siya ng Team Philippines na sasabak sa Los Angeles Olympics sa 2028.