-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 19 katao ang nasawi matapos na bumagsak ang fighter jet ng Bangladesh Air Force sa isang kolehiyo sa Dhaka.

Sa nasabing insidente sa Milestone School and College campus na matatagpuan sa Diabari, northern Dhaka at nagdulot din ng 100 katao na iba pang sugatan.

Ayon sa mga otoridad na karamihan sa mga sugatang biktima ay mga estudyante.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na bumagsak ang BAF F7 jet at tumama sa nasabing paaralan kung saan kabilang sa nasawi ang piloto.

Patuloy ang ginawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --