-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 17 mga lugar sa sa Luzon ang inilagay sa tropical cyclone wind Signal dahil sa bagyong “Mirasol”.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang mga lugar ay kinabibilangan ng Batanes,Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino; Diadi, Quezon, Kasibu, Dupax del Norte, Bambang, Ambaguio, Bayombong, Solano, Villaverde, Bagabag sa Nueva Vizcaya.

Kabilang din ang Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler sa Aurora; Apayao, Kalinga, Abra,Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte; Polilo Islands; Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente, San Ildefonso, Santa Catalina, Vigan City , Caoayan, Santa sa Ilocos Sur.

Ang bayan ng mga Vinzons, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Talisay, Daet, Mercedes sa Camarines Norte; Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Siruma, Tinambac, Goa, San Jose sa Camarines Sur at sa Catanduanes.

Base sa monitoring ng PAGASA , na ang sentro ng bagyo ay nasa 170 kilometers ng Infanta , Quezon o 90 kilometers ng Casiguran, Aurora.

-- ADVERTISEMENT --

May taglay na lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kph.

Inaasahan lalakas pa lalo ang bagyo at baka sa hapon o gabi ng Huwebes , Setyembre 18 ay tuluyan ng lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.