-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 17 katao ang nasawi matapos ang naganap na riot sa isang kulungan sa Ecuador.

Ito na ang pangalawang madugong kaguluhan sa bansa sa loob lamang ng isang linggo.

Nangyari ang insidente sa prison facility ng Esmeraldas City malapit sa border ng Colombia.

Narekober ng mga otoridad ang apat na preso na wala ng buhay sa loob ng kanilang selda.

Magugunitang nitong Lunes ay sumiklab ang riot ng mga gang na nakakulong sa southern Ecuador na nagresulta sa pagkakamatay ng 14 na katao.

-- ADVERTISEMENT --