-- ADVERTISEMENT --

Na-promote sa Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Sonny Angara ang 16,025 guro ngayong taon.

Ayon sa DepEd, nasa 41,183 pang guro ang nakaproseso na at nakatakdang isumite sa Department of Budget and Management para sa susunod na batch ng promosyon.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng Expanded Career Progression system na ipinatutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang tiyakin na nararanasan ng mga guro ang pag-angat habang nasa aktibong serbisyo pa.

Isa sa mga nakinabang si Claire Eusebio mula Tabuk City na umangat mula Teacher III tungo sa Teacher VI matapos ang 21 taon ng pagtuturo.

Ipinahayag ni Angara na layunin ng reporma na alisin ang sagabal sa promosyon at bigyang halaga ang dedikasyon ng mga guro.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan, libo-libong guro sa buong bansa ang nakatakdang makinabang sa sistemang ito na naglalayong palakasin ang kanilang propesyonal na pag-unlad.