-- ADVERTISEMENT --

Iniutos ni DPWH Secretary Vince Dizon ang six-month preventive suspension without pay laban sa 16 na opisyal at empleyado ng Bulacan 1st District Engineering Office.

Ang kautusan ay alinsunod sa direktiba ng Office of the Ombudsman, matapos matuklasan ang iba’t ibang iregularidad sa mga flood control project sa Bulacan.

Batay sa ulat, konektado ang kaso sa mga anomalya sa flood control projects sa lalawigan na nagkakahalaga ng P389.6 milyon.