-- ADVERTISEMENT --

Dumating na sa Maynila ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Teresa Magbanua, Lunes ng umaga, Enero 26, sakay ang 15 tripulanteng Pilipino na nakaligtas at ang labi ng dalawang nasawi mula sa lumubog na M/V Devon Bay.

Ang insidente ay naganap noong Huwebes, Enero 22, 2026, sa bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang kagawaran matapos makatanggap ng ulat tungkol sa paglubog ng nasabing barko.

Ayon sa awtoridad, ligtas na naisakay sa BRP Teresa Magbanua ang mga survivor habang inilikas naman ang mga nasawi upang maiuwi sa kanilang mga pamilya.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulan upang matukoy ang sanhi ng paglubog ng M/V Devon Bay.

📷: PCG

-- ADVERTISEMENT --