-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na mayroong 15 na nawawalang flood-control projects mula sa mahigit 1,600 proyekto na kanilang sinuri. Ibig sabihin, hindi pa matukoy ng kagawaran kung saan itinayo ang mga nasabing proyekto.

Nilinaw ng dating kalihim na magkaiba ang “non-existent projects” sa “ghost projects.” Aniya, ang ghost projects ay may tala na ‘completed’ na ngunit kapag sinuri sa aktwal na lokasyon, ay wala namang naitayong imprastraktura. Habang ang ‘non-existent projects’ naman ay patuloy pa rin bineberipika ng kagawaran

Batay sa ulat, ang 15 nawawalang flood-control projects ay matatagpuan sa Bulacan at sa Regions 1, 2, at 3.