-- ADVERTISEMENT --

Inilunsad na ni US President Donald Trump ang $1 million gold card immigration visas para sa mayayamang dayuhan.

Magbibigay daan ang naturang gold card sa mga buyer ng “direct path” para sa Citizenship ng lahat ng kwalipikado at nasuring maigi na mga indibidwal, ayon sa US President.

Unang inanunsiyo ang Trump Gold Card sa unang bahagi ng taong ito.

Base sa official website ng naturang immigration visa, ang gold card ay isang US visa na iginagawad sa mga nagpapakitang may kakayahang magbigay ng “substantial benefit” sa Amerika.

Para makakuha ng Trump gold card, magtungo lamang sa website ng Trump Gold Card. Nakasaad sa website ang proseso kung saan kailangang magsumite ng aplikasyon at may non-refundable processing fee sa Department of Homeland Security (DHS) na $15,000.

-- ADVERTISEMENT --

Pagkatapos mag-apply, susuriin maigi ng US Citizenship and Immigration Services ang background ng aplikane at sa oras na maaprubahan, kailangang magbigay ng contribution na $1 million at maaari nang maging available ang Trump Gold Card para magamit sa lahat ng 50 estado at territories ng Amerika at makakatanggap ng US residency sa “record time.”

Ang paglulunsad ng gold card ay sa gitna ng pagpapaigiting pa ng US sa kanilang immigration crackdown kabilang ang umento sa work visa fees at pagpapadeport sa mga hindi dokumentadong migrante.